

Panitikang Filipino
Gabay Pang-aralin

Planong Pang-aralin

Panitikan



Panitikan

Panitikang Filipino: Gabay na Pang-aralin
Ang ating panitikan ay salamin ng ating kultura. Ang mga Pilipino ay may mayamang panitikan bago pa tayo nasakop ng mga dayuhan. Sa mga susunod na pahina ay matutunghayan ang iba-ibang panitikan sa iba-ibang panahon at papaano ito maituturo upang higit pang malinang sa mga mag-aaral.
01
Panitikan ng mga Katutubo
Makatutulong ang gabay na ito upang makilala ang katutubong panitikang Pilipino tulad ng awit, epiko, bugtong at iba pa.
02
Panitikan sa Panahon ng Kolonyalismo
Mailalahad sa aralin ang impluwensiya ng kolonyalismo sa ating panitikan tulad ng panitikan ng relihiyong Katolisismo.
03
Panitikan ng Himagsikan
Sinasabing naging kasangga ng mga propagandista ang panitikan upang maipakalat ang kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Ang mga akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan sa mga halimbawa.
04
Pamamaraan at Rubrics sa Pagtuturo
Upang masukat ang kawilihan, kasanayan, at kaalaman ng mga mag-aaral ang pahinang ito ay inilaan bilang indeks ng mga pamamaraan at rubric para sa higit pang pag-unawa ng Panitikang Pilipino.